Sunday, September 27, 2009

Linggo ng PAGKABUHAL.

September 27, 2009
A typical sunday for me.
I woke up late -- around noon time already.

After having my brunch, nag-ready na kami for the sunday mass.
Nagpunta muna kami ng cebuana, nag-pick-up na kwarta. Haha.
After nun, nagpunta na kami sa Saint Nicolas de Tolentine Cathedral.
Badly, the mass has started. Kaya naglagalag muna kami.
Kumain muna kami sa Joey's then tumambay sa Blas Edward's.
Mag-5 PM na nung natapos yung mass. Dun pa lang kami pumasok sa simbahan.

Di pa nagstart yung mass, may binulong na si Sanse kay Izet.
SANSE: "Zet, yung paring magmimisa yung mabagal."

Siya nga naman. Si Rev. Fr. Dante Garcia yung pari.
Di pamilyar? Siya yung pure puti na yung buhok na pari. Maraming uban. Haha.
Matanda na kasi. At tested and proven and pagiging mabagal nya mag-misa. Haha.
Sorry Father.

Nagsimula na yung mass. Upo na kami. Literal na mabagal si Father.
Mabagal kumilos. Mabagal magsalita. Mabagal talaga.
But not the usual bagal na meron sya. Medyo mabilis pa sya date.

Here comes the Homily. E di nakatayo na si Father.
If you were there, you might observe how he often wipe his forehead with a hanky.
Di na sya makapagsalita. Paputol-putol na. At kabod at bigla niyang tinigil ang homily nya
at nagsabi agad na "Ipahayag ang ating pananampalataya."
Before the church people started praying "I believe",
isang mahabang di mabasagang-pinggan na katahimikan ang namutawi.

Bumalik na si Father sa kanyang upuan. Doon sya tumayo at nagsimula ng magsumasampalataya.

Sa kalagitnaan ng pagdadasal.... BOOOGSSHHH.
AAaahhhh... (Sigaw ng mga tao)

SI FATHER AY BUMUHAL, BUMAGSAK.

Si Fr. ay bumagsak at nagcollapsed paharap at naibuhal ang bible holder.
Nashock ang lahat. Tensed. At gusto magkagulo at sabay sabay tumakbo sa altar para tulungan ang bumuhal na pari.
Itinayo sya ng mga malapit na tao sa altar. Hilong hilo.
Akala ko nga e duguan na sya kasi ang taas talaga ng kinabagsakan.
Pinainum sya ng tubig. At pinatuloy pa din ang I believe mula simula.
May lumapit na isang pari, akala ko naman e papalitan na yung pari nun pala e andun sya para moral support. Haha.
Joke lang. Nagtest siya para sa blood sugar ni Fr. Garcia. HGT, stat ito sa simbahan.
After nun, nagbuwis buhay na tinuloy pa din ni Fr. Garcia ang misa.
Alam mo yung kada kilos niya e kinakabahan ka na bumuhal ulit.
Kaba na lang naramdaman ko buong pagstay ko sa simbahan. Haha.

Nung nagsalita sya, nagawa pa nya magjoke:
FR. GARCIA: "Wag nyo pong ipagkakalat na ako ay naglilihi, tinest po ni Fr. Elmer ang sugar ko, 270 na daw po."

Eh KAYA! Nakakaawa si Father. Ang tanda na eh.
Pero saludo ako sa kanya at tinuloy pa rin niya yung mass kahit obvious na di na nya kaya.
YISBIRIGUD clap for you, Father!
Thanks God at naisave ka nung bible holder. Si Lord na din ang kumilos nun.
God Bless po. We love you.
Ne? Close? Haha. Get well soon.
Tigilan na ang soklet. Naku.. Oo.
Akala ko di pwedeng magpakasweet ang mga Pari.
I stand corrected. (",)v peace.


No comments:

Post a Comment